Antas ng Kakayahan sa Pagsulat ng Sanaysay ng mga Senior High School Gamit ang Teknolohiya

Authors

  • Jeannievei P Barlaan
  • Cristina L Javier

Keywords:

Kakayahan, Pagsulat, Sanaysay, Teknolohiya

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa Senior High School ika labindalawang baitang (Grade 12) ng Mangatarem National High School Taong Panuruan 2019-2020 sa pagsulat ng sanaysay gamit ang teknolohiya. Animnapung mag-aaral ang naging respondente ng pag-aaral. Sa unang suliranin, lumabas sa pag-aaral na mas marami ang bilang ng mga mag-aaral na kababaihan at nabibilang sa HUMSS strand gumagamit ang teknolohiya sa pakikipagkomunikasyon. Sa ikalawang suliranin naman ay natuklasan na may mataas na kakayahan sa pagsusulat ng sanaysay ang mga mag-aaral gamit ang teknolohiya na may kinalaman sa elemento ng sanaysay. At para sa panghuling suliranin, nakita ng mananaliksik na ang demograpikong profayl ay walang makabuluhang pagkakaiba sa antas ng kakayahan sa pagsulat ng sanaysay ng mga Senior High School gamit ang teknolohiya. bilang kongklusyon sa mga natuklasan, ang mga guro at mag-aaral, ay kailangang isaalang-alang ang tamang paggamit ng teknolohiya upang lalong malaman ang mga naidudulot nito at mga dapat iwasan pa para sa ikagaganda ng kanilang akdang pampanitikan o ang pagsulat ng sanaysay at ikalalawak ng kanilang kaalaman. Sanayin ng mga mag-aaral ang pagsulat ng sanaysay upang makilala ang mga elemento nito at ay kailangang bigyang pansin ang pagsulat ng sanaysay sa Filipino gamit man ang teknolohiya o hindi upang mahasa ang kanilang kasanayan at kakayahan sa pagsulat lalo na sa sanaysay.

Downloads

Published

2020-12-20